Pinasasampahan ng DOJ sina Glenn Taningco at Lalaine Barrios ng kasong kidnapping for ransom with homicide, frustrated multiple homicide, robbery at carnapping.
Magsasagawa rin ang DOJ ng preliminary investigation laban sa umano’y mastermind na si Senior Police Officer 2 Leo Pamonag matapos lumagda sa waiver of detention sa ilalim ng Article 125 ng Revised Penal Code.
Sina Barrios, Taningco at Pamonag ang itinuturing na nasa likod ng pagdukot kay Ronaldo Arguelles sa Candelaria, Quezon noong April 9.
Nagpanggap ang mga suspek na mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Kinuha ng mga suspek ang mga kagamitan ni Arguelles, kabilang ang passbook, gold bank na nagkakahalagang P50,000 at sasakyan ng biktima.
Humigi ng P1 Million ang mga suspek pero naibaba ito sa P800,000 matapos ang tawaran.
Nang magkakabayaran sa isang mall sa San Pablo, Laguna, nauwi ito sa engkwentro na ikinasawi ni PO1 Ma. Zarah Jane Andal at ikinasugat ng tatlo pang pulis.