P17 Million na halaga ng marijuana sinunog sa Kalinga
Sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency ang mga tanim na marijuana sa bayan ng Tinglayan, Kalinga.
Nagkakahalaga ng P17.4 Million ang mga pananim na marijuana na sinira ng ahensiya.
Ayon sa Cordillera Police Office, umaabot sa 860,000 tanim at mga punla ang sinunog sa mga Barangay ng Buscalan at Loccong.
Isinagawa ng PDEA ang operasyon noong April 27-29.
Maraming taniman ng marijuana ang matatagpuan sa mga liblib na mga Barangay sa Cordillera.
Patuloy namang sinusuyod ng pulisya at militar ang mga ito para alisin at sirain alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.