Duterte iiwas sa pagbatikos sa Kuwait

Inquirer file photo

Soft landing ang magiging approach ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nagaganap na sigalot ngayon sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait dahil sa ginawang rescue operation ng mga tauhan ng embahada ng Pilipinas sa mga distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) sa nasabing bansa.

Sa talumpati ng pangulo sa 116th Labor Day celeberation sa Cebu City ay kanyang sinabi na iiwasan niya ang pagpuna sa Kuwait.

Iiwasan na rin niyang bumanat sa Kuwait dahil sa may nagaganap na pag-uusap ngayon ang dalawang bansa.

Mahirap na ayon sa pangulo na banatan ang Kuwait dahil maraming interes ang nakasalalay.

Tiniyak naman ng pangulo na makakauwi sa bansa ang mga OFWs na gusto nang umuwi.

Sasagutin na rin ng pangulo ang pamasahe ng mga uuwing manggagawa at babayaran ang kanilang mga utang sa mga employer o sa mga agency.

Magtatakda rin ang pangulo ng bagong polisiya sa mga aalis na OFWs kung saan ay dapat aniyang matiyak sa lalagdaang kontrata na hindi maabuso ang mga ito.

Read more...