2 poste ng kuryente sa Taytay bumagsak matapos sumabit sa kawad ang isang truck

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 01, 2018 - 12:49 PM

Photo: Community Emergency Response Volunter Inc.

Dalawang poste ng kuryente ang bumagsak makaraang sumabit ang mga kable nito sa isang dumaraang truck sa Taytay Rizal, Martes ng madaling araw.

Naganap ang aksidente sa kahabaan ng Highway 2000.

Sumabit sa mga kable ng kuryente ang isang dumaraang truck dahilan para mahila nito ang mga poste.

Dahil sa naturang insidente nawalan ng suplay ng kuryente ang mga bahay at establisyimento sa lugar.

Naibalik lang ang suplay makaraang maiayos ng mga tauhan ng Meralco ang mga nabuwal na poste.

Ayon sa mga otoridad, hindi napansin ng driver ng truck ang mababang mga kawad.

Ayon sa ilang residente dahil sadyang mababa ang kable ng kuryente ang ibang truck na dumadaan sa naturang kalsada ay may dalang kahoy na pang-angat sa mga wire.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: accident, Radyo Inquirer, Taytay, accident, Radyo Inquirer, Taytay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.