May kapangyarihan ang Commission on Elections na COMELEC na magdiskwalipika ng mga kakandidato sa halalan 2016 na sa tingin nila ay mga pampagulo lang o nuissance candidate.
Iyan ang sinabi ni COMELEC Chairman Andres Bautista sa harap ng paghahain ng kandidatura ng napakaraming independent candidates sa sa unang araw ng filing ng Certificate of Candidacy lalo na sa mga national positions.
Maliban dito ay maari din aniyang maghain ang sinuman ng petition for disqualification sa isang partikular na kandidato na sa tingin nila ay walang kapasidad para tumakbo sa isang halal na posisyon.
Sinabi rin ni Bautista na dati ng may desisyon ang Korte Suprema kung saan tinukoy nila ang mga tinaguriang nuisance candidates.
Nilinaw din ni Bautista na ang pagtanggap ng poll body sa COCs ng mga tatakbo sa halalan ay ministerial lamang kung saan ang COMELEC en banc pa rin ang magpapasya kung sino-sinong mga kandidato na papayagan lamang na makatakbo at maisama sa balota para sa susunod na botohan.
Malalaman aniya ang pinal na listahan ng COMELEC para sa mga opisyal na bago o pagsapit ng Disyembre 16.
Inaasahan naman ng Comelec na magiging payapa ang unang araw ng filing of Certificate of Candidacy ng mga kandidato lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng tinatawag na “areas of immediate concern”.