Nagsagawa din ng kilos protesta ang iba’t-ibang grupo ng mga manggagawa sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa bayan ng Daraga sa lalawigan ng Albay, kahit bumuhos ang ulan hindi nagpaawat ang mga miyembro ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at “Bayan Bicol” sa pagsasagawa ng martsa.
Nagmartsa ang grupo mula sa Daraga hanggang sa Pinaglabanan Shrine sa Legazpi City sa Albay.
Bitbit nila ang effigy ni Pangulong Duterte na ginawang parang itsurang octopus.
Samantala, tinatayang nasa 1,500 naman na miyembro ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino ang nagsagawa ng programa sa Crossing sa Calamba City.
Sa Baguio City naman, maliban sa grupo ng mga manggagawa lumahok din sa Labor Day rally ang mga IPs at grupo ng mga kababaihan na pawang nagmartsa sa kahabaan ng session road.
May programa din na isinagawa ang iba’t ibang labor groups sa Bacolod City.