Suplay ng gulay sa bansa kakapusin sa susunod na buwan

Kuha ni Mark Makalalad

Posibleng maramdaman sa mga susunod na buwan ang kakulangan sa suplay ng gulay.

Ito ang ibinabala ni Agosta Balanoy, tagapagsalita ng liga ng mga asosasyon sa La Trinindad Trading Post.

Aabot kasi sa P5.4 milyong halaga ng mga gulay ang sinira ng hailstorm o pag-ulan ng yelo sa lalawigan ng Benguet.

Karamihan sa mga ito ay nakatakda sanag anihin sa susunod na buwan.

Maliban sa mga bayan sa Benguet, apektado rin ng hailstorm ang bayan ng Bauko, Mountain Province.

Ayon kay Balanoy, sa ngayon, hindi pa naman ramdam ang epekto nito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...