Enrile aminadong hirap mamili sa pagitan nina Honasan at Marcos
“Bahala na”.
Tugon ito ni Senate a minority leader Juan Ponce kung sino ang kanyang isusulat sa balota sa pagkabise presdiente sa 2016 elections.
Ginawa ni Enrile ang pahayag matapos tanggapin ng kanyang matalik na kaibigan na si Senador Gringo Honasan ang alok ng United Nationalist Alliance na maging ka-tandem ni Vice-Presdient Jejomar Binay.
Una dito, dumalo si Enrile sa proklamasyon ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tatakbo rin bilang bise-presidente.
Ayon kay Enrile, pagpipilian na lamang niya ang dalawa pagsapit ng Mayo 2016.
Samantala sa budget hearing sa Senado, kinuwestyun ni Enrile ang P767Million na hinihinging pondo ng Office of the Presidentintial Adviser on the Peace Process (OPAPP) para sa susunod na taon.
Gusto ni Enrile na i-itemized ng mga opisyal ng OPAPP kung saan ginagamit ang naturang pondo para masolusyunan ang insurgency sa bansa. Kaagad namang nangako ang grupo ni Sec. Ging Delez na gagawin nila ito para sa susunod na pagdinig.
Sa kasalukuyan, umaabot lamang sa P582Million ang budget ng OPAPP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.