Hindi pa dapat magpakasiguro ang mga opisyal ng barangay na hindi napasama sa listahang inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ayon kasi sa PDEA, ang narco list na kanilang inilabas noong Lunes kung saan mayroong pangalan ng 207 na barangay officials na sabit sa ilegal na droga ay inisyal pa lamang.
Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino, mayroon pang 274 na pangalan ng mga kapitan at kagawad ng barangay na ngayon ay sumasailalim sa validation at verification.
Linggu-linggo ani Aquino ay mayroong dumarating na impormasyon sa kanilang tanggapan hinggil sa mga opisyal ng barangay na sangkot sa kalakaran ng illegal drugs.
Maliban sa sasampahan ng kaso ang mga naunang napangalanang opisyal ng barangay, sinabi ng PDEA maaring magsagawa din sila ng lifestyle check sa mga ito sa tulong ng Anti-Money Laundering Council.