13 sugatan nang araruhin ng truck ang walong sasakyan sa Taytay Rizal

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 01, 2018 - 09:13 AM

Community Emergency Response Volunteer Inc. FB Page

Sugatan ang hindi bababa sa labingtatlong katao kabilang ang isang sanggol makaraang araruhin ng isang truck ang walong sasakyan sa kahabaan ng Cabrera Road – Manila East Road sa Barangay Dolores sa Taytay, Rizal.

Nawalan umano ng preno ang isang truck na may kargang drum-drum na diesel kaya dire-diretso nitong sinagasaan ang walong sasakyan sa kaniyang harapan.

Bago ang pagsagasa nakita sa CCTV sa lugar ang mabilis na andar ng truck.

Naganap ang aksidente alas 2:50 ng madaling araw.

Marami sa mga nasugatan ay pawang pasahero ng isang UV Express.

Kabilang sa lubhang nasugatan ang mga sakay ng tricycle na kasama sa inararo ng truck.

Ginagamot pa sa ospital ang mga nasugatan sa aksidente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: accident, Brangay Dolores, taytay rizal, accident, Brangay Dolores, taytay rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.