2 hinihinalang supplier ng shabu, patay sa shootout sa Lucena City

By Rohanisa Abbas May 01, 2018 - 08:52 AM

Patay sa magkahiwalay na shootout ang dalawang hinihinalang supplier ng shabu sa kani-kanilang barangay sa Lucena City.

Ayon sa ulat ni Supt. Vicente Cabatungan, hepe ng pulisya ng lungsod, sinalakay ng mga otoridad ang Barangay Cotta dakong alas-4:00 ng hapon.

Pinaputukan umano nina Ruel Kuan at Jonathan Mercurio Romano ang mga otoridad, dahilan para gumanti ang mga pulis.

Dead on the spot ang dalawang drug suspects.

Nakuha kay Romano ang isang homemade shotgun, dalawang basyo ng bala at isa kalibre .38 na revolver.

Narekober naman kay Kuan ang kalibre .45 na baril. Pinaniniwalaang namamahala ng drug den si Kuan.

Samantala, sa naturang magkakahiwalay na operasyon, inaresto naman ang 24 hinihinalangtulak at gumagamit ng iligal na droga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Lucena City, Radyo Inquirer, shootout, Lucena City, Radyo Inquirer, shootout

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.