700 sundalo, inalerto ng AFP bilang suporta sa PNP sa Labor Day protest

By Mark Makalalad May 01, 2018 - 08:36 AM

Kuha ni Mark Makalalad

700 sundalo o higit isang batalyon mula sa hanay ng Philippine Air Force, Army at Navy ang inalerto ng Armed Forces of the Philippines para sa isinasagawang Labor Day protest ngayong araw.

Ayon kay Brig Gen Allan Arrojado, commander ng Joint Task Force NCR, ang naturang mga sundalo ang magsisilbing augmentation force sakaling mangailangan ng dagdag na tulong ang Philippine National Police sa pagpapatupad ng seguridad.

Pero paliwanag ni Arrojado, hindi ikakalat sa mga kalsada ang mga naturang sundalo at naka-standby lamang sa kani-kanilang mga kampo.

Samantala, kagaya ng PNP, sinabi ng AFP na wala silang namo-monitor na banta sa segurirad.

Kung magkakaroon naman ng tensyon at kaguluhan, tiniyak naman ng militar, na handa silang humarap sa mga rallysta, paiiralin nila ang maximum tolerance.

Una ng sinabi ng PNP na 10,000 pulis ang kanilang ikakalat sa Metro Manila para sa Labor Day protest ngayong araw.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: AFP, Labor Day Rallies, PNP, Security, AFP, Labor Day Rallies, PNP, Security

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.