2 suspek sa panloloob sa isang gasolinahan patay sa engkwentro sa mga pulis sa Calamba

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 01, 2018 - 06:59 AM SHARE(S):
Police banner

Patay ang dalawang robbery suspects sa engkwentro sa mga otoridad sa Calamba City sa Laguna.

Ayon sa Calamba City Police Station, alas 2:11 ng madaling araw kanina nang makatanggap sila ng tawag na nilooban ng dalawang armadong kalalakihan ang isang branch ng Shell Gasoline Station sa Barangay Bacnotan.

Mabilis umanong tumakas ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.

Agad namang nagsagawa ng follow up operation ang mga otoridad at nang mamataan ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa bahagi ng bypass road ay hinabol na sila ng mga tauhan ng SWAT.

Pinaputukan ng mga suspek ang mga pulis dahilan para mauwi sa engkwentro ang insidente na ikinasawi ng mga ito.

Nakuha mula sa dalawa ang isang kalibre 45 na baril at isang improvised shotgun.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 2 robbery suspects, calamba city, laguna, Radyo Inquirer, 2 robbery suspects, calamba city, laguna, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.