Malakanyang hindi nababahala sa pagpapalayas kay Philippine Ambassador to Kuwait Rene Villa

May 01, 2018 - 06:46 AM

Hindi nababahala ang Malakanyang kahit na pinalalayas na ng Kuwait si Philippine Ambassador Renato Villa.

Ito ay matapos magkaroon ng lamat ang relasyon ng dalawang bansa dahil sa ginawang rescue operatin ng ilang tauhan ng embahada ng Pilipinas sa mga distressed OFW sa Kuwait.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, mayroon namang chargé d’affaires sa Kuwait na mamamahala muna sa kapakanan ng mga Filipino sa Kuwait.

Tuloy aniya ang diplomatic ties ng dalawang bansa.

“Wala pong vacuum doon, meron po tayong chargé d’affairs doon. Okay? So tuloy tuloy po ang ating diplomatic ties with Kuwait. Hindi ko po alam kung sino pa ang papalit, siguro naman eh meron namang proseso naman sa DFA para sa pagpili ng kapalit niya sa Kuwait,” ayon kay Roque.

Sinabi ni Roque na sa ngayon, wala pang napipiling kapalit ang Pangulong Rodrigo Duterte sa puwestong iniwan ni Villa.

May proseso aniya ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagpili ng kapalit ni Villa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Harry Roque, kuwait, Malakanyang, Renato Villa, Harry Roque, kuwait, Malakanyang, Renato Villa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.