Ilang cabinet members ni Pangulong Duterte, magtutungo sa Kuwait

Lilipad patungong Kuwait sina Labor Secretary Silvestre Bello III at Presidential Spokesman Harry Roque sa susunod na linggo.

Ayon kay Roque, ito ay para simulan ang diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait matapos magkalamat ang relasyon ng dalawang bansa dahil sa ginawang rescue operation ng ilang tauhan ng embahada ng Pilipinas sa mga distressed OFW sa Kuwait.

Ayon kay Roque, gagawin nila ang pagbisita sa Kuwait sa May 7 (Lunes).

Wala namang binanggit si Roque kung ano ang ginagawa ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na siyang dapat nangunguna sa pakikipag-usap sa Kuwaiti Government dahil ito ang kalihim na namamahala sa panlabas na relasyon ng Pilipinas.

Kasabay nito, sinabi ni Roque na isang positive development para sa Pilipinas ang lumabas sa ulat ng Kuna News Agency na handa na ang kanilang hanay na makipag-usap sa Pilipinas.

Ang Kuna News Agency ay ang government news portal ng gobyerno ng Kuwait.

Binabanggit partikular ng government news portal ng Kuwait si Kuwaiti Deputy Foreign Minister Khaled Al-Jarallah na nagsabing handa silang makipag-tulungan sa Pilipinas at matiyak ang kapakanan ng mga Pilipinong naroroon sa kanilang bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...