South Korea, tatanggalin na ang propaganda loudspeakers sa border nito
Tatanggalin na ng South Korea ang propaganda-broadcasting loudspeakers sa border nito sa North Korea ngayong linggo.
Kasunod ito ng pagsunod sa kanilang leaders’ summit declaration na siyang naging daan para sa pagkakasundo ng dalawang bansa.
Dito napagkasundan ni North Korean leader Kim Jong Un and South Korean President Moon Jae-in na itigil na ang mga hostile acts laban sa isat isa sa border.
Kasama rin dito ang pagkakaroon ng liaison office at pagpapatuloy ng reunions ng mga nagkahiwalay na pamilya.
Napagkasunduan din dito ang pagkakaroon ng isang nuclear-free na Korean Peninsula pero wala pang partikular kung kailan ito at anu-ano ang mga hakbang na gagawin dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.