Lalaki, sugatan sa pamamaril sa Tondo, Maynila

By Justinne Punsalang May 01, 2018 - 04:36 AM SHARE(S):

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang lalaki matapos itong ilang beses na pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay 11, Tondo, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Ruben Nuguit, 25 taong gulang at residente ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, nakatayo sa tapat ng isang tindahan si Nuguit nang bigla na lamang dumating ang mga salarin na sakay ng isang motorsiklo.

Dito na nila agad na pinaputukan ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa ulo, tagiliran, at hita.

Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang mga salarin.

Samantala, isinugod naman sa Gat Andres Bonifacio Hospital si Nuguit.

Napag-alaman na gumagamit ng iligal na droga ang biktima at isa ito sa tinitingnang motibo sa pamamaril ng mga otoridad.

Patuloy namang inaalam ng mga pulis kung sino ang nasa likod ng krimen.

TAGS: manila, Pamamaril, Tondo, manila, Pamamaril, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.