EPD, nakahanda na para sa Labor Day celebration

By Justinne Punsalang May 01, 2018 - 04:21 AM

Kasado na ang pinaigting na security measures ng Eastern Police District (EPD) para sa isasagawang mga kilos protesta bilang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa o Labor Day.

Ayon kay EPD chief, Police Chief Superintendent Reynaldo Biay, handa na ang kanyang mga pulis na ipakakalat sa mga daraanan ng mga rally kabilang ang EDSA Shrine.

Kabilang sa kanilang paghahanda ang muling pagtatayo ng public assistance desks sa mga piling lugar.

Magsasagawa rin si Biay ng surprise inspection sa mga PADs upang matiyak na nagtatrabaho ang mga pulis na nakadestino doon.

Bukod pa ito sa kanilang pagsasagawa ng mga operasyon kagaya ng law enforcement, border patrol, at target hardening measures na partikular na tutuok sa mga isasagawang kilos protesta.

Kasabay ng kanilang paghahanda ay hinimok ni Biay ang publiko na agad ipagbigay-alam sa mga otoridad ang mga makikitang kahinahinalang kilos o gamit sa mga pagdarausan ng rally.

Ang paghahanda ng EPD ay kasabay naman ng kanilang preparasyon para sa 51st Asian Development Annual Governors Meeting na magaganap mula May 2 hanggang 6.

TAGS: epd, Labor Da, epd, Labor Da

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.