Mula sa nasabing bilang, 2,000 mga pulis ang manggagaling sa Manila Police District (MPD). Kabilang sa mga babantayan ng mga pulissa Maynila ang US Embassy, Mendiola, himpilan ng Department of Labor and Employment (DOLE), at Liwasang Bonifacio.
Ayon sa MPD, inaasahan nilang nasa 8,000 mga raliyesta ang dadalo sa mga kilos protesta sa Maynila.
Katulad ng mga nakaraang mga isinagawang kilos protesta ay magpapatupad ang mga pulis ng maximum tolerance.
Samantala, tiniyak ni Philippine National Polcie (PNP) chief, Director General Oscar Albayalde na nakahanda ang buong hanay ng mga pulis para sa mga isasagawang rally dahil taun-taon naman aniya itong nagaganap.