Malacañang: Pilipinas hindi makikipag-away sa Kuwait

By Chona Yu April 30, 2018 - 08:11 PM

RTVM

Tiniyak ng Malacañang na mananatili ang ugnayan ng Pilipinas at Kuwait.

Ito ay matapos magkaroon ng lamat ang relasyon ng dalawang bansa dahil sa ginawang rescue operation ng ilang tauhan ng embahada ng Pilipinas sa mga distressed Overseas Filipino Workers sa Kuwait.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang balak ang pangulo na makipag away sa mga lider ng nasabing bansa.

“He is not picking a fight with Kuwait. The statement was very—the President was very somber. He was very calm. He says that if Kuwait does not want our workers then he would ask them to come home”, dagdag pa ng opisyal.

Pinipilit aniya ng Pilipinas na ibalik sa normalidad ng relasyon ng bansa sa Kuwait.

Binigyang diin ni Roque na hindi naman naging confrontational ang pangulo sa kanyang mga inihayag para sa mga OFWs.

Kalmado aniya ang pangulo sa naturang usapin lalo’t kapakanan ng mga Pinoy ang nakasalalay dito.

Kasabay nito, ayaw na ng pangulo na manisi ng ibang opisyal ng pamahalaan dahil sa rescue operation at iginiit na mas marami pang mahahalagang bagay ang higit na dapat na pagtuunan ng pansin ng Malacañang.

TAGS: duterte, kuwait, OFWs, rescue, Roque, duterte, kuwait, OFWs, rescue, Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.