Nagpakilalang asawa ni Kris Aquino, tatakbong senador

Dan-Daniel-Magtira
Inquirer file photo

Naghain ng certificate of candidacy sa pagka-senador ang nagpakilalang asawa ng presidential sister na si Kris Aquino.

Ayon kay Dan Daniel Magtira, tatakbo siyang senador para ipaglaban ang saligang batas.

Sa panayam sa media, sinabi ni Magtira na asawa niya si Kris Aquino.

Sa kaniyang speech, nag-alay pa ng awit si Magtira para sa presidential sister.

Nais din ni Magtira na maimbitahan siya ni Kris sa morning show nito na Kris TV para maipakita naman daw niya ang kaniyang galing sa pagra-rap.

Noong 2013, naghain na din ng COC si Magtira pero kasama siya sa mga disqualified candidates.

Samantala, maliban kay Vice President Jejomar Binay, Atty. Ely Pamatong, dating TESDA Director Buboy Syjuco Jr., at Ephraim Definio, marami nang iba pa na naghain ng COC sa pagka-pangulo., Kabilang dito sina Ralph Masloff, David Alimoring, dating Presidential Commission on Good Governance Chairman Camilo Sabio at Danilo Lihaylihay.

Read more...