Umaasa pa rin si Presidential Spokesman Harry Roque na magkakaroon pa rin ng Executive Order si Pangulong Rodrigo Duterte para tuldukan ang endo o end of contractualization sa mga ordinaryong manggagawa.
Ayon kay Roque, may nakatakdang pagpupulong mamayang gabi sina Pangulong Duterte at Labor Secretary Silvestre Bello III para talakayin kung ano ang magandang ireregalo bukas sa mga manggagawa.
Pangungunahan bukas ng pangulo ang Labor Day Celebration sa lalawigan ng Cebu.
Tiniyak naman ni Roque na maraming good news na ipinagkaloob ang pangulo sa mga manggagawa gaya halimbawa ang libreng tuition sa mga estudyante, libreng irgasyon at iba pa.
Sinabi pa ni Roque na tanging sa administrasyong Duterte lamang ang nagbigay ng libreng matrikula sa mga State Universities and Colleges (SUCs) sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Bukas ay may mga jobs fair rin na magaganap sa ilang mga lugar sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.