Nograles: Sobrang kita ng Grab aabot sa P100 Million kada linggo

Ibinulgar ni PBA Party list Rep. Jericho Nograles na aabot lang P100 Million na overcharged ang Grab kada linggo.

Ayon kay Nograles, hiwalay pa ang nasabing halaga sa sinisingil na P2 kada minuto ng Grab.

Paliwanag ni Nograles, mayroon pang P40 hidden charge na sinisingil ito sa mga pasahero.

Iginiit nito na maliban sa P3.2 Billion na travel time charge na unang siningil sa mga pasahero, mayroon pang hiwalay na P40 dagdag na singil na dapat i-refund sa publiko.

Sa inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, ang singil lamang ng GRAB ay P40 para sa base fare at dagdag na P10 hanggang P14 per kilometer charge at hanggang 2x surge sa bawat kilometro.

Gusto ni Nograles na kaagad na imbestigahan ng ahensya ang sinasabing paniningil ng sobra ng Grab.

Read more...