Sec. Teo mananatili sa DOT ayon sa Malacañang

By Chona Yu April 30, 2018 - 04:18 PM

Radyo Inquirer

Wala pang nakikitang rason ang Malacañang para sibakin na sa puwesto ni Pangulong Rodrigon Duterte si Tourism Secretary Wanda Teo.

Ito ay sa kabila ng pagkwestyun ng Commission on Audit sa P60 Million advertisement budget na pinasok ng DOT sa programa ng Tulfo brothers sa PTV 4.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi pa naman tapos ang ginagawang imbestigasyon ng Malacañang sa isyu.

Una dito, sinabi ni Roque na ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa kaso ni Teo.

Nakaabot na aniya sa pangulo ang balita at nais nitong malaman ang puno’t dulo ng kontrobersiya.

Nauna na ring sinabi ni Teo na wala siyang kinalaman sa mga placements ng advertisement ng kagawaran.

TAGS: dot, duterte, ptv, teo, tulfo, dot, duterte, ptv, teo, tulfo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.