Barangay narcolist magsisilbing guide sa halalan ayon sa Malacañang

By Chona Yu April 30, 2018 - 03:13 PM

Gusto lamang ng Malacañang na mabigyan ng giya ang mga botante sa pagpili ng mga Barangay officials sa darating na halalan sa May 14 kung kaya binigyan na ng kumpas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ilabas na ang narcolist.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, nasa botante na ang huling pagpapasya kung iboboto pa rin ang mga kandidato na sangkot sa ilegal na droga.

Naniniwala si Roque na wala namang nilalabag na batas ang PDEA sa paglalabas ng listahan.

Base sa talaan ng PDEA, aabot sa dalawang daan at pitong barangay officials ang sinasabing protektor ng iligal na droga sa kani-kanilang mga nasasakupang lugar.

Mas makakabuti rin ayon sa opisyal na mabigyan ng pagkakataon na maglingkod sa mga barangay ang mga kandidatong walang kinasasangkutan na iligal na gawain.

TAGS: barangay election, DILG, narcolist, Roque, barangay election, DILG, narcolist, Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.