Francis Tolentino tuloy ang pagtakbo sa Senado bilang independent candidate
Tuloy ang kandidatura sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso ni dating Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa Senado bilang independent candidate.
Matapos na kusang pagpapaalis ng kanyang pangalan sa listahan ng mga kandidato ng Liberal Party (LP), si Tolentino ay napabalitang inaanyayahan ng mga taga-supporters ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na tumakbong senador sa kanilang partido.
Ngunit sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Tolentino na maghahain siya ng kandidatura bilang independent candidate at hindi muna niya pagpapasyahan ang anumang alok mula sa ibang partido pulitikal. “Independent muna,” ito ang maikli niyang sagot kasabay ng pagdiriing, “wala muna siyang hinaharap na ibang alok sa ngayon”.
Naging kontrobersiyan si Tolentino dahil sa pagsasayaw ng malaswa ng grupong “Playgirls” sa
Sta. Cruz, Laguna sa isang opisyal na pagtitipon ng LP na nagkataong kaarawan din ni Rep. Benjamin Agarao. Ang pagdalo ng naturang all-female dance group ay “regalo” umano ni Tolentino.
Nanghingi ng paumanhin at pang-unawa si Tolentino sa pangyayaring iyon ngunit ito ay humantong sa kusa na niyang pagkawala sa listahan ng candidates for senator ng ruling political party.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.