P750 national minimum wage muling ipinanawagan ng Makabayan bloc sa kamara
Muling iginiit ng Makabayan bloc sa kamara ang panawagan para sa P750 national minimum wage kasabay ng paggunita bukas ng Araw ng Paggawa.
Ayon kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao, napapanahon ang P750 national minimum wage dahil sa epekto ng TRAIN Law.
Ang mataas na bilihin anya at mahal ba serbisyo ang lalong nagpapababa sa halaga ng sinasahod ng mga manggagawa.
Base sa IBON Foundation, para mabuhay ng disente ang isang pamilya na may anim na myembro ay mangangailangan ng P1,168 kada araw at ang pamilya na may limang myembro ay mangangailangan naman ng P973 kada araw.
Dahil dito, hinikayat ng mambabatas ang publiko na lumahok sa panawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte upang itaas ang national minimum wage.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.