Ito ay matapos na naglabas ng memorandum si Guevarra na nag-aatas sa lahat ng Usec. at Asec. ng DOJ na magsumite na ng kanilang unqualified courtesy resignation kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipadadaan sa opisina ng Justice Secretary.
Nakasaad sa nasabing isang pahinang memorandum na inilabas nuong April 24 na hanggang ngayong araw o April 30 ang deadline para sa paghahain ng resignation.
Ito ay para mabigyan ng laya ang bagong justice secretary na mamili ng mga Usec. at Asec. na kanyang makakatrabaho sa DOJ.
Base sa record ay mayroong limang undersecretaries at anim na assistant secretaries ang naitalaga ni Aguirre sa pwesto.
Una rito, kinumpirma ni Undersecretary Erickson Balmes na siya ay naghain na ng resignation.
Ani Balmes maliban sa kaniya, nagsumite rin ng resignation sina Usec. Antonio Kho Jr. at Raymund Mecate. Gayundin si Assistant Secretary George Ortha.