LTFRB Chairman Martin Delgra sinampahan ng kasong graft at pang-aabuso ng dating regional director ng ahensya
Nahaharap sa kaso ng pang-aabuso at graft si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chair Martin Delgra.
Isinampa ni dating LTFRB Bicol regional director Jun Abrazaldo ang reklamo sa Office of the Ombudsman matapos siyang sibakin ni Delgra.
Inakusahan ni Abrazaldo si Delgra ng pang-aabuso umano sa kapangyarihan at pagprotekta umano sa ilang bus companies.
Ayon kay Abrazaldo, nanghimasok umano si Delgra sa mga kaso ng Decker Cargo Logistics Corp. (DCLC) at Super Five Bus Transport Inc.
Aniya, iniimbestigahan pa ng LTFRB regional office ang DCLC na nasangkot sa aksidente ang isang trak nito na ikinasawi ng tatl katao at nasira ang isang trak pero nakialam umano si Delgra.
Dagdag ni Albrazaldo, nanghimasok din si Delgra nang hulihin ng LTFRB regional office ang apat na units ng Super Five na hindi rehistrado.
Dahil dito, ipinatawag ni Delgra si Albrazaldo at kinompronta siya.
Sinibak ni Delgra ang dating LTFRB Bicol regional office director batay sa ulat ng National Intelligence Coordinating Agency.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.