207 na Barangay officials na nasa narco-list pinangalanan na ng PDEA
Isinapubliko na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pangalan ng 207 barangay officials na nasa narco-list.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, sa 207 narco-officials, 90 sa mga ito ang barangay captains habang 117 naman ang baranggay kagawad.
Nangugunana sa may pinakamaraming tiwaling opisyal ang Region 5 na may 70, sumunod ang Cordillera Administrative Region (CAR) na may 34 at ARMM na may 13 opisyal.
Habang 12 sa listahan ay mula sa NCR partikular na sa lugar ng Tondo, Quezon City at Malabon.
Giit ni Aquino, kumpirmado ang pangalan ng mga ito dahil inaral itong maigi ng apat na law enforcement agencies ng pamahalaan.
Bukod naman sa validated list, mayroon pang hiwalay na 274 barangay officials ang nasa listahan din ng PDEA na patuloy pang bineberipika.
Samantala, Nakatakda namang magsampa ng kaso ang DILG sa 16 na barangay na walang BADAC o Baranggay Anti-Drug Abuse Council.
Kabilang sa mga pinangalanan sa NCR ay ang mga sumusunod:
NCR Barangay Captain:
- Velasquez, Anthony / Brgy.Hulong Duhat, Malabon City
- Sharief, Abubakar / Brgy. 384, Zone 39 Quiapo, Manila
- Collao, Vener / Brgy.780, Zone 85, Sta. Ana, Manila
- Tan, Romyr / Brgy. 150 Caloocan City
- Dungo, Arnel / Brgy.255 Tondo, Manila
- Ortega, Marcelino Aluarte / Brgy. 199 Tondo, Manila
- Mañalac, Alvin / Brgy. Tinajeros, Malabon
- Guidotong, Aileen / Brgy. 314 Sta., Cruz Manila
NCR Ex Barangay Captain:
- Evangelista, Bernardo Morales / Pleasant Hills Mandaluyong
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.