Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, naka-heightened alert ang kanilang hanay at inatasan nya na ang mga provincial, regional at district directors na magbantay sa anumang pagkilos.
Mahigpit din ang kanyang bilin sa mga ito na huwag hayaang makalusot ang mga armadong militante para maiwasan ang tensyon kagaya na lang nang nangyari sa Hacienda Luisita at Kidapawan incident.
Bagaman nasa 15,000 ang pahayag ng Kilusang Mayo Uno na makikilahok sa Labor Day Protest bukas sa Metro Manila, sinabi ni Albayalde na nasa 3,000 hanggang 5,000 lang ang inaashan nilang lalahok dito.
Gayunaman, kanyang sinabi na hindi nila ito minamaliit at patuloy silang naka-monitor sa mga manggugulo at mga raliyista na hakot mula sa labas ng Maynila.