Pagkakasundo ng North Korea at South Korea ikinatuwa din ng Santo Papa
Maging si Pope Francis ay humanga sa ipinakita ng lider ng North Korea at South Korea nang sila ay mag-usap at magpulong tungo sa kapayapaan noong Biyernes.
Pinapurihan ng Santo Papa sina North Korean leader Kim Jong Un at South Korean President Moon Jae-in sa aniya ay “brave commitment” ng mga ito upang wakasan ang kaguluhan sa Korean peninsula.
Ikinatuwa ni Pope Francis ang positibong resulta ng makasaysayang summit na dinaluhan ng dalawa.
Partikular ang pangako ni Kim na ipasasara na ang atomic test site ng Pyongyang sa buwan ng Mayo.
Sa kaniyang pagsasalita sa St Peter’s Square, sinabi ng Santo papa na ipagdarasal niyang magpapatuloy ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang lider para sa kapakanan ng Korean people at ng buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.