Grupong Bantay Bigas, tutol sa pag alis ng rice import quota

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 30, 2018 - 08:14 AM

Kinontra ng isang rice watchdog ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin na ang quota sa pag-aangkat ng bigas sa ibang bansa.

Ayon kay Cathy Estavillo, spokesperson ng Bantay Bigas, ‘band aid solution’ lang ang plano ng pangulo at hindi nito tunay na matutugunan ang kakapusan ng suplay ng bigas.

Dapat daw kasi ay pagpapalas sa local rice production ang pagtuunan ng pansin para maiwasan na ang rice shortage sa hinaharap.

Giit pa ni Estavillo, maaaring magresulta sa pagkalugi ng mga magsasaka sa bansa ang pag tanggal sa rice quota imports at posible rin umano na tuluyan na tayong maging rice dependents sa ibang bansa.

Sa kanyang arrival speech sa Davao City, inatasan ng Pangulo si NFA Administrator Jason Aquino na mag-oversupply ng bigas.

Naniniwala kasi sya na pinagmumulan lamang ng korapsyon ang pagkakaroon ng quota sa rice imports.

Dagdag pa ng Pangulo, naniniwala syang wala aniyang problema kung sosobra ang supply ng bigas dahil magmumura naman ang presyo nito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: NFA Rice, Radyo Inquirer, rice importation, NFA Rice, Radyo Inquirer, rice importation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.