Military depot sa Syria binagsakan ng missile

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 30, 2018 - 07:53 AM

Nakapagtala ng rocket attack sa dalawang lalawigan sa Syria na Hama at Aleppo kung saan pinaniniwalaang hindi bababa sa 30 ang nasawi.

Ayon sa ulat ng state media, bumagsak ang missiles sa mga base militar sa dalawang lalawigan at hindi pa tukoy kung saan ito nagmula.

Tinarget umano ng rocket ang military positions sa Hama at Aleppo at inaalam pa kung ilan ang nasugatan sa insidente.

Kabilang sa natamaan ang mga depot na pinag-iimbakan ng mga bala ng sundalo mula sa 47th Brigate ng Syrian Army.

Dahil sa pag-atake nasunog ang naturang depot.

Kumalat din sa mga kalapit na residential area ang sunog dahilan para lumikas ang mga residente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Airstrikes, Aleppo, Hama, military, syria, Airstrikes, Aleppo, Hama, military, syria

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.