Pinatutukan ni Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde ang mga lugar sa Mindanao na may una nang kasaysayan ng “political rivalry.”
Sa panayam, sinabi ni Albayalde na magpapadala sya ng karagdagang pwersa sa Mindanao partikular na sa ARMM para matiyak na maiiwasan ang election-related violence sa lugar.
Nabatid kasi na sa 5,744 baranggay na nasa election hotspots, 832 dito ay mula sa ARMM.
Bukod dito, nasa rehiyon din ang 172 baranggays na idineklarang category 3 o lugar kung saan maraming banta ng kaguluhan sa eleksyon.
Dagdag pa ni Albayalde, mag-iikot sya sa Mindanao para tignan ang sitwasyon ng segurirad doon.
Mahalaga aniyang makita nya ang kahandaan ng mga pulis sa lugar at para rin makapagbigay sya ng instructions.
Una nang sinabi sinabi ni Albayalde na all systems go na ang kanilang hanay at nasa 150,000 hanggang 160,000 na mga pulis ang kanilang ia-assign sa sa iba’t ibang polling precincts sa bansa sa panahon ng halalan.