Mahigit 150,000 na pasahero naserbisyuhan ng MRT-3 kahapon

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 30, 2018 - 07:13 AM

Mahigit 150,000 na mga pasahero ang naserbisyuhan sa maghapong operasyon ng Metro Rail Transit 3 kahapon, araw ng linggo.

Sa daily operations report ng DOTr-MRT3, 158,663 ang kabuuang bilang ng mga pasaherong sumakay sa tren.

Umabot lang sa 12 ang naitalang average running trains dahil weekend naman at mas bihira ang mga pasahero.

Wala namang naitalang unloading incident kahapon o aberya sa mga tren.

Samantala ngayong umaga, nagbukas ang MRT nang mayroong pitong tren na agad naideploy at walo naman ang operational.

Pagsapit naman ng alas 6:00 ng umaga, 16 na tren na ng MRT-3 ang bumibiyahe at mayroon pang isang tren na naka-standby.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: daily operations report, dotr, mrt3, Radyo Inquirer, daily operations report, dotr, mrt3, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.