Ngayong umaga nakatakda ang press conference ng PDEA kung saan inaasahang ilalahad nito ang mahigit 200 mga opisyal ng baranggay na nasa narco list.
Ito ay kahit may pahayag kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pa napapanahon para ilabas ang narco list.
Ayon kay Derrick Carreon, tagapagasalita ng PDEA, wala pa silang natatanggap na pormal na kautusan mula sa pangulo para ihinto ang paglalabas ng listahan.
Una nang sinabi ng PDEA na pawang mga kapitan at kagawad ng barangay ang mahigit 200 na sangkot sa ilegal na droga.
Layon ng gagawing paglalabas ng listahan na mabigyang gabay ang mga botante sa kanilang pagboto sa nalalapit na Barangay at SK elections.