Listahan ng mga barangay official na sangkot sa ilegal na droga, ilalabas na ng PDEA

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 30, 2018 - 06:41 AM

Tuloy ang paglalabas ng listahan ng Philippine Drug Enforcement Agency ng mga barangay officials na sangkot sa ilegal na droga.

Ngayong umaga nakatakda ang press conference ng PDEA kung saan inaasahang ilalahad nito ang mahigit 200 mga opisyal ng baranggay na nasa narco list.

Ito ay kahit may pahayag kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pa napapanahon para ilabas ang narco list.

Ayon kay Derrick Carreon, tagapagasalita ng PDEA, wala pa silang natatanggap na pormal na kautusan mula sa pangulo para ihinto ang paglalabas ng listahan.

Una nang sinabi ng PDEA na pawang mga kapitan at kagawad ng barangay ang mahigit 200 na sangkot sa ilegal na droga.

Layon ng gagawing paglalabas ng listahan na mabigyang gabay ang mga botante sa kanilang pagboto sa nalalapit na Barangay at SK elections.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: barangay, narco list, PDEA, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, barangay, narco list, PDEA, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.