National Artist Levi Celerio tampok sa Google doodle sa kaniyang ika-108 kaarawan

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 30, 2018 - 06:25 AM

Binigyang pagpupugay ng Google si Levi Celerio ang pinoy na tanyag sa mga likha niyang awitin.

Ngayong araw kasi ginugunita ang ika-108 kaarawan ni Celerio.

Sa Google doodle ngayong araw makikita ang larawan ni Celerio na nakasuot ng barong tagalog at mistulang lumilikha ng awitin at sa sandaling ito ay i-click makikita ang mas maraming impormasyon tungkol kay Celerio.

Taong 1910 nang isilang si Celerio at nakagawa ito ng mahigit 4,000 mga awitin kabilang ang mga tanyag na “Sa Ugoy ng Duyan”, at “Saan Ka Man Naroroon”.

Kabilang din sa kaniyang talent ang paglikha ng instrument mula sa dahoon, dahilan para siya ay maitala sa Guinness Book of world Records bilang kaisa-isang “leaf player” sa buong mundo.

Taong 1997 naman nang siya ay itanghal bilang National Artist for Literature and Music.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: April 30, Google Doodle, Levi Celerio, national artist, Radyo Inquirer, April 30, Google Doodle, Levi Celerio, national artist, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.