Anakbayan, kinondena ang pamamaslang sa pari sa Cagayan
Mariing kinondena ng grupong Anakbayan ang karumal-dumal na pamamaslang kay Father Mark Ventura sa lalawigan ng Cagayan.
Pinagbabaril ng naka-helmet na suspek ang pari ilang sandali lamang matapos nitong ipagdiwang ang banal na misa alas-8 ng umaga ng Linggo.
Ayon sa Anakbayan, kilala ang pari dahil sa mga adbokasiya nito laban sa pagmimina at sa pagtulong sa mga indigenous peoples sa lalawigan.
Inaakusahan ng grupo ang administrasyong Duterte sa pasista nitong kampanya na nagsanhi ng masamang bunga partikular ang pagtarget sa mga miyembro ng religious sector bilang mga bagong biktima ng harassment at patayan.
Ito anila ay dahil sa paninidigan ng mga ito sa madugong kampanya sa giyera kontra droga at iba pang social at political injustices na pinaiiral ng administrasyon.
Binanggit din ng grupo ang kinasadlakan ng misyonerong si Sr. Patricia Fox na ipinaaresto at nahaharap sa deportation.
Sinabi pa ng grupo na ginagamit ng gobyerno ang lahat ng makinarya nito sa paglulunsad ng madugong giyera laban sa mga Filipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.