Bilang ng mga Filipino na nakaramdam ng gutom sa Q1 ng 2018 bumaba – SWS

Mas kumaunti ang mga Filipino na nakaranas ng ‘involuntary hunger’ o pagkagutom ng kahit isang beses sa unang bahagi ng taon kumpara sa huling quarter ng 2017 ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa datos na inilabas madaling araw ng Lunes, naitala ang 9.9 percent o 2.3 milyong pamilyang Filipino na nakaranas ng ‘involuntary hunger’ ng kahit isang beses mula Enero hanggang Marso.

Kung pagbabatayan ang datos ng SWS ay mas mababa ito ng 6 porsyento sa 15.9 percent o 3.6 pamilyang Filipino na naitala noong 4th quarter ng taong 2017.

Ang 9.9 percent na datos ay nabuo sa pinagsamang bilang ng nakaranas ng ‘moderate hunger’ o minsanang pagkagutom na pumalo sa 8.6 percent at nakaranas ng ‘severe hunger’ o lubha at madalas na pagkagutom sa 1.3 percent.

Ito na rin ang ikalawang beses na naitala ang single digit sa bilang ng nagugutom na pamilyang Filipino simula March 2004.

Ang hunger rate sa lahat ng rehiyon sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao ay lahat bumaba.

Pinakamababa ang hunger rate sa Metro Manila sa 6 percent mula sa 14.7 percent noong December 2017.

Read more...