Bong Go, binisita ang mga biktima ng sunog sa Sta. Cruz, Maynila
Binisita ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go ang mga nabiktimang pamilya ng malaking sunog na tumupok sa higit-kumulang 200 kabahayan sa Sta. Cruz, Maynila noong Biyernes.
Personal na ibinigay ni Go ang ilan sa kanyang mga personal na gamit sa mga nasunugan kabilang ang mga damit at sapatos.
Sinabi pa ni Go na ang kanyang pagpunta ay upang ipaalam sa mga biktima ang kalungkutan ng pangulo tungkol sa pangyayari.
Anya pa, makakaasa ang mga pamilya ng tulong mula sa gobyerno at gagawin nito ang lahat para sa mga biktima.
Ang mas importante ayon kay Go ay walang nasawi bunsod ng sunog.
Samantala, bukod sa tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH) ay sinabi ni Go na naghanda ng mga packed groceries at financial aid ang Office of the President.
Namahagi rin siya ng mga damit para sa mga babae, sapatos at mga relo bukod sa personal niyang mga gamit.
Kasamang nag-inspeksyon ni Go sa fire scene sina DOH Sec. Francisco Duque, DSWD Sec. Emmanuel Leyco at Manila 3rd District Rep. Yul Servo Nieto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.