Mayroong dalawang bagong obispong itinalaga ang Vatican sa dalawang diyosesis sa Mindanao.
Itinalaga bilang bagong obispo ng Diocese of Marbel sa South Cotabato si Rev. Cerilo Casicas.
Ang appointment ni Casicas ay matapos ang resignation ng dating obispo ng Marbel na si Bishop Dinualdo Gutierrez na 79 taong gulang na ngayon.
Napalawig ang termino ni Gutierrez ng apat na taon habang naghahanap ang Vatican ng kanyang kapalit.
Si Casicas na tubong Duero, Bohol, ay 51 anyos pa lamang ay siyang ikaapat na obispo ng Marbel.
Naordinahan itong pari taong 1994 at kasalukuyang naninilbihan bilang director ng Pastoral Formation at professor sa Saint John Vianney Theological Seminary.
Sakop ng Diocese of Marbel ang mga lalawigan ng South Cotabato, ilang bahagi ng Sarangani at Sultan Kudarat.
Samantala, naitalaga naman bilang bagong obispo ng Diocese of Mati ng Davao Oriental si Bishop Abel Apigo.
Nagsimula na sa kanyang trabaho si Apigo noong April 25.
Tubong Davao City si Bishop Apigo at inordinahang pari noong 1994 at.
Tinapos niya ang kanyang graduate studies sa Licentiate in Church History sa Pontificia Universita Gregoriana sa Roma mula 1997 hanggang 2000.
Tatlong taong naging sede vacante ang Dioceseof Mati matapos ang retirement ni Bishop Emeritus Patricio Alo.