Sundalo patay matapos makasagupa ang NPA sa Davao del Norte

By Justinne Punsalang April 30, 2018 - 02:17 AM

Namatay ang isang sundalo, habang sugatan ang isa pa matapos magkaengkwentro ang pwersa ng pamahalaan at mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Sonlon sa bayan ng Asuncion, Davao del Norte.

Kinilala ang namatay na sundalo na si Private First Class Arman Campus, habang si Private First Class Ruben Lambac naman ang sugatan.

Ayon kay Southern Mindanao Police Regional Office spokesperson, Chief Inspector Milgrace Driz, lagpas alas-7 ng gabi ng Linggo ay nagpapatuloy pa rin ang bakbakan ng dalawang panig na nagsimula bandang alas-4:30 ng hapon.

Aniya, humingi na ng air support ang mga sundalo upang malabanan ang mga rebelde sa lugar.

Samantala, bago ang naturang insidente ay nagkaputukan rin ang mga otoridad at mga rebeldeng komunista sa Barangay Naga sa Laak, Compostela Valley. Maswerte namang walang naitang nagsugatan o namatay dahil dito.

Sabado naman ng hapon nang tambangan ng mga NPA ang 11 mga pulis sa Kiblawan, Davao del Sur. Wala ring naitalang nasugatan dahil sa insidente.

Ani Driz, patuloy ang isinasagawang operasyon ng mga otoridad upang tugisin ang mga rebelde sa Kiblawan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.