Mga residente ng Boracay hindi nakapasok sa isla

Hinarang sa Caticlan Jetty Port ang nasa 50 mga residente ng Boracay island Linggo ng gabi.

Ito’y matapos nilang lumagpas sa takdang oras kung kailan pwedeng pumasok sa isla.

Batay sa guidelines na inilabas ng inter-agency task force, hanggang alas-10 ng gabi lamang maaaring makapasok ng Boracay ang mga may hawak ng resident ID.

Ngunit workers ID ang hawak ng mga hindi pinapasok sa isla dahil mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi lamang sila pwedeng manatili sa Boracay.

Umapela ang mga hinarang na residente na bigyan sila ng palugit at konsiderasyon dahil hindi malinaw sa kanila ang patakarang ipinatutupad sa isla.

Ayon naman sa mga nagbabantay na mga otoridad, hindi nila maaaring pagbigyan ang mga residente dahil dapat sumunod ang lahat sa guidelines ng inter-agency task force.

Read more...