CAFGU napatay ng NPA sa Negros Oriental

Tinambangan ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang miyembro ng Philippine Army – Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) sa bayan ng Santa Catalina sa Negros Oriental.

Kinilala ang biktimang si Bobby Sarino, 46 na taong gulang at miyembro ng Cogon Patrol Base ng CAFGU sa katimugang bahagi ng Negros Oriental.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, pauwi na si Sarino sa Barangay Nagbinlod nang harangin at tambangan ito ng apat na miyembro ng NPA.

Anim na tama ng bala sa ulo at katawan ang tumapos sa buhay ni Sarino.

Samantala, nakasagupa naman ng mga kasamahan ni Sarino sa CAFGU at Philippine Army 15th Infantry Battalion ang nasa 30 mga mitembro ng NPA habang tinutugis ang mga umatake kay Sarino.

Sa ngayon ay itinuturing na ‘priority province’ ang Nergros Oriental para sa kinakailangang seguridad sa May 14 barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Ilan sa mga barangay ng Santa Catalina ay kabilang sa election hot spot ng mga otoridad.

Read more...