Agarang pagkakahuli sa pumaslang sa isang pari nais ng LP
Hinimok ng Liberal Party ang mga otoridad ng Gattaran, Cagayan na mabilisang umakto para sa ikadarakip ng salarin sa pamamaslang kay Father Mark Ventura, Linggo ng umaga.
Sa isang pahayag ay sinabi ni Senador Francis Pangilinan na siyang pangulo ng LP na sana ay hindi matengga ang imbestigasyon sa naturang insidente.
Inihalimbawa ni Pangilinan ang kaso ng pamamaslang kay Father Marcelito Paez noong December 2017 sa Jaen, Nueva Ecija. Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nareresolba ang kaso.
Samantala, umaasa ang senador na hindi sumalamin sa karakter ng Pilipinas ang pagkakapatay kay Father Ventura, kasunod ng pagpapaalis kay Sister Patricia Fox dahil sa umano’y pagsama sa mga kilos protesta sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.