19 na mga rebelde sumuko sa Mountain Province

Dalawang miyembro ng New People’s Army at 17 miyembro ng Militia ng Bayan ang sumuko sa mga otoridad sa Mountain Province nitong nakalipas na linggo.

Batay sa datos na hawak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Northern Luzon Command (NOLCOM), ang dalawang miyembro ng NPA ay pawang mga residente ng Ifugao at Mountain Province ngunit nag-ooperate sa Cagayan. Habang ang mga miyembro naman ng Militia ng Bayan ay mula sa Cagayan Valley.

Ayon sa tagapagsalita ng NOLCOM na si Lieutenant Colonel Isagani Nato, umaasa silang mas marami pang mga rebelde ang susuko dahil sa kanilang pinaigting na operasyon sa lugar.

Ayon kay Philippine Army spokesperson Lieutenant Colonel Louie Villanueva, sa kabuuan, 6,709 na mga rebelde na ang sumuko sa pwersa ng pamahalaan at 288 mga armas na ang narekober mula sa mga ito simula noong November 2017.

Read more...