CBCP nagpaabot ng pakikiramay sa naiwang pamilya ng pinatay na pari sa Cagayan
Mariing kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pamamaslang kay Father Mark Ventura matapos itong magmisa sa Gattaran, Cagayan, Linggo ng umaga.
Sa isang pahayag, sinabi ni Archbishop Romulo Valles, pangulo ng CBCP na ikinagulat nila nang malaman na pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem si Father Ventura.
Nagpaabot ng pakikiramay si Archbishop Valles sa naiwang pamilya ng pari, maging kay Archbishop Sergio Utleg at buong kaparian sa Archiocese of Tugegarao.
Umapela rin ang CBCP sa mga otoridad para sa agarang ikaaaresto ng mga salarin sa pamamaslang upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Father Ventura.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.