2 ginang nadakip dahil sa shabu

By Ricky Brozas April 29, 2018 - 03:08 PM

Inquirer file photo

Arestado ng mga elemento ng Barbosa Police Community Precinct sa kanilang isinagawang simultaneous police visibility at anti-criminality patrol ang dalawang ginang dahil sa pag-iingat ng ipinagbabawal na droga.

Nangyari ang operasyon pasado alas 12:45 madaling araw ng Linggo, Abril 29, sa C. Palanca St. corner Quezon Blvd. Brgy. 384, Quiapo, Maynila.

Kinilala ng mga humuling pulis na sina PO1 Hadzmer Amer at PO1 Joseph Garab ng PCP-PS3 ng Manila Police District ang mga suspek na sina Rosalinda Sumini, 58 anyos, isang dishwasher at Rose Perez, 34 anyos na pawang residente ng Sta.Cruz, Manila.

Nabawi sa dalawa ang dalawang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu at isang set ng baraha at bet money na nagkakahalaga ng P92.

Habang nagpapatrolya ang mga pulis, namataan ang grupo ng mga tao kabilang na ang dalawang suspek habang nagsusugal ng “tong-its”. Nang sitahin, doon na nadiskubre ang bitbit nilang droga.

Kasong paglabag sa PD 1602 o Possession of Dangerous Drugs ang kahaharapin ng mga suspek na ngayon ay nakadetine na sa himpilan ng pulisya sa Maynila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.